Gabay sa Pag-alis para sa mga OFW
Isang gabay para sa mga Overseas Filipino Workers na aalis mula sa Pilipinas.
This guide is also available in English.
Updated June 12, 2024
Makikita sa gabay na ito ang mga hakbang na dapat mong gawin sa airport.
1. Ihanda lahat ng mga papeles
Para masiguro ang maayos na pag-alis, tiyaking kumpleto ang dala mo'ng mga papeles. Magandang ideya rin na magkaroon rin ng kopya ng mga ito sa iyong telepono.
Maari mo ring i-download ang aming OFW Checklist upang masigurong wala ka'ng makakaligtaan.
- Passport - Siguruhing may bisa pa ang iyong passport ng hindi bababa sa anim na buwan mula sa iyong petsa ng pag-alis.
- Plane ticket - Tinatanggap ang printed plane ticket o digital na plane ticket. Tiyaking tugma ang pangalan sa iyong ticket sa pangalan sa iyong passport.
- Work visa - Siguruhing valid pa rin ang iyong visa sa araw ng iyong pag-alis.
- Overseas Employment Certificate or OEC - Kailangan ito para sa lahat ng OFWs. Maari ring ipakita ang OEC Exemption para sa mga OFWs na babalik sa parehong employer at jobsite.
- Para sa mga seafarers, ang iyong Seaman's Book - Siguruhing may bisa pa ang iyong Seaman's Book sa haba ng iyong kontrata.
- Para sa mga unang beses magtatrabaho abroad, PDOS certificate - Kailangan ang Pre-departure Orientation Seminar (PDOS) para sa mga first-time OFWs. Makukuha ito mula sa Department of Migrant Workers (DMW).
- eTravel - Maari mong gawin ang eTravel online.
2. Mag-check-in online (opsyonal o maaring hindi gawin)
Karamihan ng mga airline ngayon ay may online check-in. Maaari kang mag-online check-in 24 oras bago ang iyong flight. Kahit nag-online check-in ka, kailangan mo pa'ring dumaan sa check-in counter sa airport upang i-check ang iyong mga papeles.
3. Pumunta sa airport
Siguruhing dumating ka sa airport ng hindi bababa sa tatlong oras bago ang iyong flight. Bibigyan ka nito ng sapat na oras para dumaan sa check-in, security, at immigration.
Tingnan ang terminal ng iyong flight - Makikita mo ang terminal ng iyong flight sa iyong plane ticket o sa aming Departure page. I-double check na ikaw ay papunta sa tamang terminal.
4. Mag-check-in sa airport
Pagdating mo sa airport, may mga screen/monitor na magpapakita kung saan ang mga check-in counter para sa iyong flight. Pwede ka ring magtanong sa staff ng airport para sa tulong.
Pumunta sa check-in counter ng iyong airline. Ipakita ang iyong passport, ticket, visa, at OEC sa staff ng airline. Iche-check nila ang iyong mga papeles at bibigyan ka ng iyong boarding pass.
5. Dumaan sa immigration
Bago pumunta sa immigration, siguraduhing nakumpleto mo na ang eTravel form. You will not be allowed to enter the immigration area without the accomplished form. Hindi ka papayagang pumasok sa immigration area nang walang nakumpletong form. Ihanda rin ang iyong eTravel QR code, passport, boarding pass, OEC, work visa, at PDOS certificate (kung kailangan).
6. Dumaan sa security
Pagkatapos ng immigration, dadaan ka sa security. Siguraduhing alam mo ang mga ipinagbabawal na mga gamit para iwasan ang anumang problema.
7. Tumuloy sa iyong boarding gate
Pagkatapos mong makapasa sa security, tumuloy ka na sa iyong boarding gate. Makikita mo ang iyong boarding gate sa iyong boarding pass. Kung walang nakalagay na gate number sa iyong boarding pass, tingnan ang mga screen pagkatapos ng security.
8. Sumakay sa iyong flight
Tignan ang iyong boarding pass para sa boarding time ng iyong flight. Upang sigurado, pumunta sa iyong boarding gate bago pa ang boarding time.
Alalahanin na magkaiba ang boarding time sa departure time ng iyong flight.
Mikko Gozalo
Creator of MNLAirport.ph
Mikko is a data scientist based in Hong Kong. He flies the Manila to Hong Kong route regularly. Having flown a lot from NAIA, he decided to create MNLAirport.ph to help fellow travelers.
NAIA Survival Guide
Going to and from NAIA
Before your flight
- Preparing for your flight
- Pet Travel: Domestic Flights
- Prohibited Items
- eTravel
- Philippine Travel Tax
- Immigration Tips for Tourists
- OFW Departure Guide
- Gabay sa Pag-alis para sa mga OFW